Dugo Ko, Handog sa Bulaeño
Gilbert Moreno, 3rd Yr H/S

Isinilang sa Hilagang bahagi nitong lalawigan
Bayan ng Bula na siyang makikinabang

ng dugong inialay ng mga tunay na maaasahan
Buhat saanmang dako ng ating lipunan.

Dugong Oragon tulong handog sa mga Bulaeño
dugong inialay na taos sa kanilang puso
Sa bawat patak ng dugo buhay ang mababago
Mula sa ating mga simpleng bolunterismo.

Ating nasalamin ang ginawang tulungan
sa pamamagitan ng dugong alayan
Lubos nating kailangan ang pagkakapit-bisig
Upang mamayani sa baya’y tagumpay at pag-ibig.

Sa lahat ng tumulong ng boluntaryo

Sa iyong ginawa kami ay saludo
Sa mga kabataan kayo ay ehemplo
Magsisilbing susi ng ating pagbabago.