DuGo Ko...Marumi Na
   -Khim Naval, 3rd Year H/S

Masakit!
Tama na!

Ayoko na!
Bakit mo sinugatan ang kutis kong porcelana?

Ngayon ay nagdurusa ang aking kapwa
Nais ko siyang tulungang maibsan ang nadarama
Ngunit tila huli na ang lahat,
Marumi na ang dugong dumadaloy sa aking mga ugat.
Ang dugo kong dati’y kay lusog
Ngayo’y kuntaminado ng karayom na may mikrobyo
Mikrobyong nagmula sa mga inukit kong  larawan
Larawang nagpapaalala ng aking mgakamalian.

Mapagpalang Panginoon ako’y nananalangin
Nawa’y buksan mo makasarili namingdamdamin
Gabayan…
Upang ‘wag nang tularan.
Ang dugo…
Tulad sa ibaba ng linyang ito.
At sa itaas ng linyang ito.
Dapat ganyan kalinis pagkat ang dugong ‘yan
Ang durugtong sa buhay ng ating kapwa.