Dugo ng Buhay, Dugong Oragon
   - John Paul Bacsain, 3rd Year H/S

"Buhay ko, dugtunga't tulungan mo",
Pakiusap ng Bulaeñong naghihingalo

Walang magawa kundi magtago,
“Kailangan ko ng dugo”,
Sa kinasasadlakang sakit, nag-aayuno.

Maalong dagat ng buhay sa mundo’y nararanasan
Ayaw niya na talagang mabuhay
Sa pagdating ng kanyang tagapagligtas
Dita ng kanyang kalungkuta’y biglang nalutas.

“Ayaw ko na ng ganito, gusto ko nang magbago”,
Sa dugo mong oragon, titibok aking puso
Hinihinging tulong huwag ibilanggo
“Dugo mo, buhay ko!”

Nawalan ng lungkot, nabigyan ng saya
Sa dugo ng oragon, bumalik kanyang sigla
Nabigyan ng pag-asa, mata’y napaluha
Pagpapasalamat na lamang ang nagawa.

Tularan at bigyang pansin
Ang paggawa ng mabuti sa kapwa’y sundin
Dugtungan ng buhay, Bulaeñong nangangailangan
Sa dugo mong oragon, buha’y madudugtungan.