DUGONG ORAGON: Tulong Buhay Para Sa Mga   Bulaeño
  - Bernard B. Bagacina, 4th Year H/S

Itong dugong oragon ay lubhang mahalaga,
Iingatan ng kawani’t ipipreserba,
Sapagkat nakasalalay buhay Bulaeño sinta,
Dahilan kung ba’t sila ngayon humihinga.

Sakali man Bulaeño mayroong mangailangan
Nitong mga dugong oragon na pinakaiingatan,
Hindi kami magdadalawang isip sila’y ngayon tulungan,
Upang isalba ang buhay ng sino man.

Dugo sa iba’y simple lang kung ituring ito,
Hindi alintana ang kahalagahan nito
Subalit kung pakalilimiin nang husto
Ito pala’y tulong buhay sa mga Bulaeño.

Masasabi kong dugong oragon ay mahalaga,
Sapagkat tulong buhay inialay sa iba.
Kaya’t mga pangarap nila’y aabutin na,
Bansa ngayon ay sisigla at uunlad pa.