DUGONG ORAGON: Tulong Buhay Para Sa Mga   Bulaeño
  - Gian Contreras, 3rd Year H/S

Masisiglang ngiti ng mga kabataan
Naaaninag sa kanila ang pag-unlad ng bayan

Kabataang Bikolano tayo ay magtulungan
Dugong oragon ipamahagi sa sangkatauhan.

Dugong oragon ang pundasyon ng buhay
Sa mga taong nangangailangan ating ipamigay
Pairalin ang bolunterismo ng likas sa puso
Luzon, Visayas, Mindanao kahit saanmang dako

Tulad ng tubig, dugong oragon umagos ka
Punan ang kulang at bawasan ang sobra
Ikaw ay kumalat tulad ng pag-ibig ni Hesus
Suliraning panlipunan di magtatagal ito’y matatapos.

Konting tulong man kung ating ituturing
Maraming may sakit din ang mapapagaling
Tunay na kaligayahan ang magsisilbing kapalit
Dugong oragon kaunlaran sana ay makamit.