DUGONG ORAGON
  - Francis Jolly G. Aganon Jr., 4th Year H/S

Tila isang kandilang nagniningas
Patuloy sa pag-apoy at pagliyab

‘Tong dugong Oragong ‘di kumukupas
Sa tantong bagong buhay ay sumiklab.

Mainit, puro, wagas at dalisay
Mula sa lahing dakila’t matapang
Ang dugong tunay na nananalaytay
At tumataginting sa Kabikolan.

Dugong ito’y di magdadal’wang isip
Kung sakali mang may mangailangan
Itong dugo na sadyang nagngingitngit
Upang matugunan ang buhay ng ilan.

Kailanman, saanma’t kaninuman
Patuloy itong dadaloy sa ugat
Upang angkinin ang bisig ng ilan
Ng Bulaeño hanggang huling patak.

Dugong Orago’y inaalay sa’nyo
Bilang tulong para sa kabutihan
Ito ay sadyang magpapasimbuyo
Ng ‘sang intensyong walang katapusan.